"So... Katulad ng marami, naranasan ko na din ang pinaka-matinding sakit na dulot ng pag-ibig. (Sabi sa inyo eh, CHEESY) Yun na ata ang pinaka sa lahat ng pinaka-masakit at pinaka-nakakaloka na experience ko sa love. Masakit talaga, lalo na kapag nagmahal ka ng higit pa sa sobra. As in... 'OUCH!!!' talaga! Pero ang pinakamasakit na part ng pinagdaanan ko is the fact na nagkamali din ako. Iilan lang sa mga friends ko ang nakaka-alam kung paano ako nabaliw nung time na yun. Wasak na wasak at durog na durog ang puso ko. Mula sa pagiging dyosa, nagmukha akong labandera at taga-hugas ng mga pinggan sa kusina. HAHA. Oo na, korny na kung korny. Kahit uminom pa ako ng napakaraming Stresstabs, 4G, Myra-e at Enervon, mukha pa rin akong tsimay kasi depressed ako to the highest level! Pero ngayon medyo okay okay na ako. No more tears! (Sana)
Pero shempre, hindi naman natatapos ang anumang painful circumstances sa buhay natin nang wala tayong napupulot na aral. In the end of all the bitterness, pains and self-denials, meron at meron tayong aral na nakukuha. So let me share with you some of the things I've learned from my experience.
It's not true pala na nawawasak ang puso natin kapag nabibigo tayo o nasasaktan dahil sa love kasi yung heart daw natin, kahit ilang pagkabigo at kahit paulit-ulit na masaktan, mananatili pa rin tong buo. Hindi yan nawawasak. Kapag nasaktan tayo emotionally, hindi ang heart natin ang nawawasak but it's our FAITH. When we are in painful situations, our faith breaks because we stop believing. So... it's not right pala na sabihing 'Broken-Hearted' ako. It should be 'Broken-Faithed' pala? (Pangit naman nun. Parang wrong grammar. Hahaha!) And sa pagsasabi ng "I love you". Sabi nila, wag ka daw maniwala kapag sinabihan ka ng "I love you with all my heart." Mababaw lang daw kasi yun. Cheap. Maniwala ka lang daw pag sinabihan ka ng "I love you with all my hypothalamus." To the maximum level na daw ang pagmamahal sayo kapag ganun ang sinabi sayo. Ang hypothalamus kasi is a part of our brain na connected sa heart. So ano ngayon? Aba ewan ko. Basta yun daw dapat. Alam naman natin ang mga psychologist, masyadong malalalim. Sa susunod na magmamahal ako, lahat ng parte ng lamang-loob ng tao ikakabit ko sa pagsasabi ng "I love you". So ang sasabihin ko, "I love you with all my heart, with all my hypothalamus, body, soul, lungs, liver, intestines, esophagus, apendix, gal bladder, kidney, pati na uterus at fallopian tube ko!" Pero grabe naman kung ganun. Hay nako... Hassle! Masyadong ma-effort!
Wag mong pigilan ang sarili mo na mag-drama o mag-emote kapag 'Broken-Hearted' ka. Magpakasaya ka! Makipag bonding bonding with friends! Tapos pag-uwi mo sa bahay, chaka ka na lang magkulong sa kwarto mo. Umiyak ka hangga't gusto mo. Sumigaw ka sa unan mo. Makipag-bonding ka sa sakit na nararamdaman mo. Don't pressure yourself to move on, kasi isa talaga yun sa pinaka-mahirap gawin. Normal lang yang nararamdaman mo. Just feel your pain until the pain becomes numb.
Sa mga panahon na sawi at bigo ka sa love, no advice can make you feel better. Kahit ano pang sabihin sayo ng mga kaibigan mo, kapuso at kapamilya, hindi ka pa rin magiging okay. Kahit bilihan ka pa ng sampung iPod Touch, Hindi ka pa rin magiging masaya. (Ewan ko lang ah. Kasi ako, masaya na ako dun. HAHA!) Alam mo, tama si Doraemon. Ang talagang makakapagpasaya sa atin ay ang taong naging dahilan kung bakit tayo nalungkot...
Don't seek for revenge. Minsan kasi kapag tayo ang offended party, naiisip natin gumanti. Sa halip na ubusin mo ang oras mo sa pag-iisip ng gimik kung paano gagantihan ang nang-gago sayo, spend your time in living your life because a life lived well is the sweetest kind of revenge. Ipakita mo sa kanya na masaya ka kahit wala na siya sa buhay mo. Ayus ayusin mo sarili mo. May iba kasi na kapag broken-hearted eh napapabayaan ang sarili. Dahil mashadong nag-papaawa... Ayan tuloy, mukha nang hindi nagsusuklay, hindi naliligo, tapos kapag nakasalubong si ex at hindi ka pinansin, masasaktan at iiyak. Eh paano ka ba naman niya papansinin, eh hindi ka na niya marecognize jan sa ichura mo? Kaya sa halip na magpabaya, magpaganda ka nang magpaganda! Tapos kapag magandang-maganda ka na siya naman ang wag mong pansinin. Hehehehe. :-)
And lastly... PRAY! Sabi nga sa libro ni Elizabeth Gilbert na "Eat Pray Love", "There is no trouble in this world so serious that it can't be cured with a hot bath, a glass of Whiskey and the Book of Common Prayer." Walang hindi nadadaan sa dasal. Just have FAITH. Everything will be alright, I'm sure... :-)"
-Diane:]
Alam niyo ba? Di ako ang gumawa nito. It's my sister who made this. Ang galing no? Pang-broken-hearted talaga. Ay hindi pala, pang-BROKEN-FAITHED. Hahaha. Nagandahan lang ako nung nabasa ko to kaya pinost ko. Sorry ka nalang di mo nabasa. :). Si KitKat Ang pala ang gumawa. [EDITED] =)).
SCREAM! SCREAM! SCREAM!
Remember to leave a tag! No Spamming. No uttering badwords. REMEMBER THAT THIS IS MY BLOG! SO, MY BLOG, MY RULES!RESPECT PLEASE!