![]() |
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
![]() |
Whatever! :P ![]() ![]() iCupcake! Linkie Blinkies Looking for SOMETHING? *HUGS* TOTAL! Give merylkate_289 more *HUGS* |
Monsters have feelings too. :)
|
THE AUTHOR. ![]() ![]() Pets! Pets! Pets! Love Pets? Cupcake is Here! |
Cookfest '09-'10. || Ang sakit ng paso ko! :'((! ♥
Friday, July 31, 2009 It all started here. 5:00 AM Saturday, July 25, 2009. Ginising ako.. Pero..Inaantok parin ako. HAHAHA. So nakatulog ulit ako. Nagising ako ng mga 5:30 AM. Wow! 30 minutes ako nakatulog after akong ginising! :)). Patawa! Back to the topic.. E di gising na ako. Bumangon na ako at diresto sa baba. Ay mali! Sa CR pala. Wag mo ng i-imagine or itanong kung ano ang ginagawa ko sa loob ng CR. Hahahahaha. So, after nun, kumain na ako ng breakfast. Grabe! Habang kumakain ako..inaantok ako! Papikit-pikit ang mata ko. E kasi naman, Saturday po yun! Tapos every weekends na mangyayari yung mga events sa school. NICE. Naiisip ko nga parang ayaw ko ng mag-attend. Ano ba yan! Layo na natin sa topic. So back to the topic ulit. Alam mo ba kung ilang oras ako kumain dahil sa papikit-pikit kong moment? -Hmm. Let's just say...More than 30 minutes or less than an hour ako kumain! Pwedeng pang-Guiness ata to! Hahahaha.. Pero seryoso. Tapos naligo ako ng mga 30 minutes. HAHAHAHAHA. Pagkatapos nun..nagbihis na ako and ready for school. Nag-tricycle na kami. Hay salamat! Nakarating na rin kami sa school. School 7:something. Nakita ko si KG, Eula, Shaira, Joanna, Korbanne, Julienne at marami pang iba. Para ngang lahat ng classmates ko nandun na, ako lang ang wala pa. :)). Alam mo ba kung ano suot ko? Shempre yung T-SHIRT namin! PROUD TO BE A FRESHMAN ata to. Joke! :)). So, inayos namin yung tent and POOF! Tapos na! Start of the program 8:00 AM. Kumanta muna kami ng National Anthem tapos nag start yung program. May opening prayer ba? Kalimutan ko na kasi e. Sorry. :)). Ang alam ko meron. Every event naman may opening prayer e..diba? So, natapos na namin kantahin yung National Anthem tapos nagstart na. Ang una ay yung Flower Arrangement. Sa Flower Arrangement ang provided lang ng T.L.E. Club ay yung flowers at ang mga students na yung pot and decorations. So tinuruan ni Jose sila JM, Korbanne and ahm.. Sino na yun? HAHAHAHA. Kalimutan ko na. OMG! Ahm! Sorry kalimutan ko na talaga. Alam mo ba kung bakit si Jose yung nagtuturo? Kasi siya yung may alam. Hahahaha. Habang nag arrange yung iba ng flowers, kami naman ay nagsimula ng magluto. Shempre! Sarap kaya ng luto namin. Una tumulong ako kila Eula kasi wala pa kaming gagamitin na Gas Range ni Jose. Kasi nga diba, assistant lang ako ni Jose. So tumulong muna ako kila Eula na gumawa ng Tamago. Ito ang Ingredients: [Sorry kung may nakalimutan ako. :]
Pagkatapos nila Eula gumawa nung Tamago, heto na kami! Ang mga Tasterzzz. Tikim dun, tikim dyan! Hahahaha. Para nga kami yung Judge e. And ang ratings namin [kaming mga Tasterzzz ha!]..tantadadan-dandandan dan... Tapos kami na sumunod sa pagluluto.. Kaya kami nahuli kasi wala kaming gagamitin na Gas Range kaya hinintay namin sila Eula matapos. So, niready na ni Jose [ang boss ko] yung mga gamit na gagamitin namin. Procedure: Papakuluin muna ang tubig. Pagkumulo na, ibuhos na ang gulaman. I-stir ito. Tapos, patigasin. And pag medyo tumitigas na, chaka naman ihulog ang mga fruits or anything na gusto mong ilagay. And may Kanten Jelly ka na! Punta naman tayo dun sa about sa PASO yung nasa title. -Ganito kasi yun, nung inistir ko yung gulaman, bigla ba namang lumabas sa kaldero [yun ba yung tawag sa paglutuan? :))] yung tubig niya. [Parang sumobra ata sa tubig.] E di nagulat ako tapos biglang sabi ni Eula [yung may-ari nung Gas Range], alisin daw namin kasi baka masira kasi muntik na, I mean nabuhusan pala ng konti yung sa loob nung Gas Range. Baka daw masira at siya yung papagalitan. So ang ginawa ko kasi wala si Jose, inayos ko yung posisyon nung paglutuan, and super init pa naman yun, ayun napaso ako. Wala akong gloves nor pang-protect nun no! Sa right hand pa ako napaso. Ito yung nangyari before ako napaso: Si Jose kasi, sabi niya i-stir ko daw, tapos tinanung niya kung gusto ko daw ng gloves, so sabi ko "Oo sige, mainit kasi e." E medyo natagalan sha kasi may mga humingi pa. So biglang lumabas yung blahblahblah [Read the paragraph above this.] And tinanung ko si Ma'am Sherilyn [yung adviser namin], sabi niya lagyan ko daw ice. So nilagyan ko. And it relaxes me that time. Sobrang sakit kaya! As in. Parang gusto mo ng putulin yung finger mo sa sobrang sakit. Tapos naubos ko na yung isang buong ice, e sumasakit pag walang ice, so triny ko iba kasi pag ice baka kailangan ko na ng ice forever. And forever na yung ice sa kamay ko. :)). Tinanung ko si Janelle [classmate ko] sabi niya lagyan ko daw ng mantika, wag yung ice kasi daw magtutubig daw, and sabi niya kung ano daw nakapaso sayo, yun ang ilagay mo. E di naman mantika. Pero triny ko. Walang bisa! Tapos bumalik ulit ako sa ice kasi pag aalisin ko yung ice, sumasakit yung paso ko! Tinanung ko naman si Sir Erick [adviser ng Lotus] baka makatulong sha. Ang sabi niya kamatis daw. So naghiwa siya ng kamtis and nilagay ko. Nung una parang walang bisa, pero nung pinisil ni Oliver kamay ko, ayun, naging ok. Problem solve na rin! Galing no? Nung una parang di ako naniniwala, pero mabisa rin pala ang kamatis?! ![]() So yun! Gusto mo makita yung picture ng aking paso? [Nung una, nadidiri yung mga classmates ko. Kaso ngaun hindi na kasi medyo nagaling na pero nabalatan siya. I mean binalatan. :))] ![]() Announcement of the Winners naaaaaaa! Cooking: And the winner is...........teka, teka.. mauna muna yung pang 4th. 4th-Sophomores. [Ang saya namin nung di kami natawag!] 3rd-Juniors. [Waaaa! May pag-asa pa! Think Positive! Walang aayaw!] 2nd-Kami! Freshmen! [First time *daw* na natalo ng 1st years yung mga 2nd years and 3rd years sa Cooking. 1st-Shempre. Ano pa ba ang kulang? E di 4th years/Seniors. Di ba halata? :)) Flowers: 4th-Sophomores. 3rd-Kami ata. 2nd-Juniors ata. 1st-Seniors. Nutri-Jingle: 4th-Kami! Hahahaha. Sayang! Dapat 3rd man lang para 2nd kami sa overall! 3rd-Seniors? 2nd-Juniors. 1st-Sophomores. Ganda nung performance nila e. Over-all: 4th-Sophomores. 3rd-Freshmen [Kami]. Sayang talaga! 2nd-Juniors. 1st-As usual Seniors. And that's all..Then pumunta kami sa CSi to watch *sana* ng sine kaso di natuloy kasi nag WOF [Worlds of Fun] nalang. :)). Then we went to Shaira's House. Tapos nung iniwan na kami nung mga iba pa naming kasama, ang natira nalang ako, Shaira and Joanna. Ang ginawa namin, bumalik ulit sa CSi at nagWOF ulit and umuwi na. ;). That's all! Jan na nagtatapos ang aking storya! :)) [Note: For more pictures, CLiCK HERE.Thanks! :D] ![]() ![]() ![]() |
SCREAM! SCREAM! SCREAM! Remember to leave a tag! No Spamming. No uttering badwords. REMEMBER THAT THIS IS MY BLOG! SO, MY BLOG, MY RULES! RESPECT PLEASE! |
PlugMe. :D Don't know how to use it? CLiCK HERE. ![]() ![]() |
Sweet Escape. ![]() Blessa Mendoza Bon Tiangson Clarisse Zaplan Clarisse Zaplan 02 Demi Lomo Frances Nava Francesca Soriano Heirress [Cousin] Kara Ignacio KitKat Ang Miss Behave [Cousin] Margreth Yap Marion Meneses Nigel Reyes Nonay Coteok Patricia Therese Siapno Pearl Therese Raizel Ignacio Instant Time Machine. ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
Credits. ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |